Martes, Agosto 2, 2011

Pagtuklas ng yaman ng ating bayang sinilangan ay dagdag kaalaman para kanino man,
Sulyapan ang mga bagay at pangyayaring may kinalaman sa nakaraan.

Sa kislap ng mata at ngiti sa labi ng bawat isa ay mababanaag mong sila ay sabik na para sa gagawing paglalakbay sa iba’t-ibang lugar kung saan matutuklasan nila ang ilan sa mga bagay at pangyayaring magbibigay sa kanila ng kamalayan tungkol sa pamumuhay n g ating mga ninuno noong unang panahon.
Isang paglalakbay ang isinagawa noong ika-22 ng Hulyo taong 2011 ng ilan sa mga mag-aaral ng STI College Meycauayan na kabilang sa pag-aaral ng asignaturang PHIlGOV, PHILITA at NTROART . Ang layunin ng paglalakbay na ito ay upang muling balik tanawan ang ilan sa mga ipinagmamalaking yaman ng kultura ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng sining na isang patunay dito.
Iba’t-ibang destinasyon o pook ang nakatalaga naming bisitahin, ang Ayala Museum , National Museum o Pambansang Museo ng Pilipinas sa  at ang pinakahuli ay ang Intramuros.
       Mga kaibigan, halina’t sama-sama nating silipin ang ilan sa mga litratong nakunan sa ginawa naming paglalakbay. Kaakibat nito ang ilang paliwanag na mas lalong mgdag sa kaalaman ng bawat isa sa atin.

           At syempre, hindi magpapahuli sa picture-taking ang kasama naming mga propesor…



Naging masaya naman ang aming paglalakbay sa loob ng Ayala Museum sapagkat marami kaming nakitang mga bagay na sadyang magpapatunay na sadyang mayaman ang ating lupang sinilangan. Hindi ako makapaniwala na totoo ang mga gintong nakita ko, ang daming ginto nun. Ang sarap nilang pagmasdan sapagkat tila kikislap-kislap ito sa aking paningin. Marami ring uri ng sining ang naroroon sa loob ng museo na makatutulong upang madagdagan ang iyong kaalaman at maimulat sa kung anong uri ng pamumuhay mayroon noon ang ating mga ninuno. 
         MGA LARAWANG AMING NASULYAPAN:
Dahil bawal magpicture-picture sa loob ng Ayala Museum., dito na lang kami nagpicture-picture sa labas.
Grabe, napagod yata at nagutom lahat sa paglilibot sa loob ng Ayala Museum. Kaya naman pagkatapos doon ay kumain muna ng lunch ang lahat. Pagkatapos kumain at magpahinga saglit muli na kaming bumiyahe patungo sa susunod na destinasyon. Grabe, masigla na ulit ang lahat dahil nakakain na. 
Ayan, pasukin naman natin ang loob ng National Museum. Ang karamihan sa mga kasama sa lakbay-aral na ito ay mas na-enjoy ang pamamasyal dito. Bakit nga ba? Syempre, hindi mahigpit dito pwedeng mag-picture ng kahit anumang makita mo. Picture dito, Picture Doon ang naging moment dito. At higit sa lahat mas marami akong nakita dito na mga bagay at sining na may kinalaman sa buhay ng ating mga ninuno noong unang panahon.
Heto na, kitang-kita namang nag-enjoy kami dito sa National Museum. Hindi lang iyon, nagkaroon pa kami ng pagkakataon upang makasama ang ibang estudyante ng STI College Meycauayan.


Pagkatapos namin maglibot sa National Museum, amin ng tinungo ang Intamuros.
Noong nasa Intramuros na kami,  ay medyo nagka-problema kasi yung mga museong pupuntahan dapat namin ay may bayad pala. Kaya naman, lumibot kami upang maghanap ng pwedeng puntahan at pasukan ng hindi kami magbabayad. Maraming makakasaysayang pook ang matatagpuan sa Intramuros. Halina't sama-sama nating sulyapang muli ang ilan sa mga ito:


Napagod man kami sa mahabang lakaran upang maghanap ng pwedeng pasukan na libreng museo, ay hindi pa rin mawawala ang pagkahilig sa pictures. Alam n'yo naman ang Pinoy, mahihilig talaga yan mag-picture dahil isa itong sining na maituturing. :)
At dito na nagtatapos ang aming lakbay-aral na naging daan upang mamulat ang aming kamalayan tungkol sa mga ipinagmamalaking yaman ng bansa gayundin ay nabatid namin ang ilang mga bagay o impormasyon ukol sa pamumuhay nang mga sinaunang tao.